I am living in this world for fourteen years. Receiving all my precious gift every 11th of October. I am spending my freshmen year at Colegio de San Lorenzo. :) I am happy spending everyday of my life with him. :) I am? Kind but Prank. I am a kind of person that can keep a secret. :P Loud but I know when to be serious. Responsible but Lazy. Gentle but Crazy. I am a happy go lucky girl. :)
-- follow me.
*LOVELESS*
Yung feeling na kapag nakahawak ka ng ballpen at papel, bigla mo na lang masusulat yung initials nung name niya. Nakakapagpagaan ng loob kapag nakakatext o nakakausap mo siya, noh? Feel mo katabi mo lang siya.
- ‘Kaaay, ini-imagine ko na naman si Cruuuush. :’)
Tatapusin ko ang taon na to na Single ako. ;)) Ngayon ko lang na-appreciate ang pagiging single. Masaya pala, akala ko nun hindi. Bawas problema at gastos! Totoo naman kasi, Diba? Kaya dapat hindi tayo malungkot kapag single tayo. Nandiyan naman ang mga kaibigan natin. ;))
LOVELESS. <3
Ang saya lang ng araw na to. Yung gabi na yun, parang huminto yung mundo ko nung nakausap ko siya. :“> Kahit na inuuto niya ako nang ilang beses, parang baliwala lang sa akin. ;))) Eto na naman ako, Kakaiba ako nung gabing yun. Iba siyaaa. <3 :”“”>
Merry Christmas sa inyo. Huling mensahe ko na lang ito bago pa magwakas ang araw na ito. :) Sana naging masaya kayo sa padiriwang ng pasko ngayong taon kahit na hindi man ganun kabongga ang mga handaan niyo pero kumpleto naman ang pamilya, Solve na din yun. :)
Ang saya ng pasko ko! Punong puno ng ngiti at halakhak. =))) Nakatulong na nga kami sa kapwa nakapagbigay ngiti pa kami. Saya ng ganitong feeling, ang gaan sa pakiramdam. Anyway, Merry Christmas ulit. >:D
TIWALA ay hindi lamang isang salita. Importante ito sa isang relasyon, sa kahit na anong klase ng relasyon. Relasyon bilang kaibigan, nagmamahal, kapatid, anak, estudyante, at marami pa. :) Kapag ito ay nasira o nawala, parang gumuho na ang buong mundo mo. Sapagkat sa bawat relasyon mo sa kapwa mo, TIWALA ang nagiging pundasyon nito. Kaya dapat natin pangalagaan at panatilihin ang tiwala sa isa’t isa.
Maligayang Pasko sa inyo.
MA. LIANA KAMECO IMPERIAL RICARO. >:D<
Siya ang Little Sissy ko. Ganda no? Mana mana lang din kasi. Its been 5 years. :“> Nakilala ko siya nung grade 3 ako sa Sanlo. Naging kaaway ko pa nga siya dahil lang sa iisang lalaki. Si Ernest Giron, kaklase niya. :)) Natapos ang buong school year na magkaaway kami. Noong grade 4 kami, nagumpisa ang aming munting relasyon. Relasyon na ‘di makakalimutan, relasyon na nagbigay daan kung ano na kami ngayon. Naging matalik nan kaibigan ko, kakampi sa lahat ng bagay, kasanggi sa mga kalokohan, kasama tuwing breaktime, lahat lahat na. :> Ganyan kami kadikit sa isa’t isa, daig pa namin ang magsyota. ( SYOTA talaga ang term ko? KWeird. ) Lumipas ang isang taon, di na kami magkaklase pero 'di pa rin nawawala ang komunikasyon namin. Sa simpleng batian lang, nagkakaintindihan na kami. Kumbaga, may sarili kaming lenggwahe. Cheesy namin no? >:) Noong grade 5 kami, uso na ang mga PUPPY LOVE kung tawagin. Nagkaroon ng selosan sa iisang lalaki, nagngangalan na Gianne Angelo Valdez. ( Charooot, manlandi kami NOON. ) Pero kahit ganun pa man ang nangyari, nangingibabaw pa rin ang pagkakaibigan namin. Hinayaan na namin ang boySSS. Hahaha! >:) After grade 5, grade 6 na! ( Natural 6 ang sunod, alangan namang 7. diba? corny ko na. >:P ) Ayon, magkaklase pa rin kami and The Bottomline is WE’RE STILL FRIENDS. :”> ( AnoBayaaan, Pati palabas ni Boy Abunda nasasama. [THE BOTTOMLINE] ) Okay then, eto ang matindi eh. :)) Madalas kami mag-away nung panahon na to. May mga dakilang MANINIRA kasi. Pero pero, nangingibabaw pa rin ang pagkakaibigan namin. Di pa rin kami nagpatalo sa mga pagsubok na sumasagabal sa aming relasyon. >:D< Haveey, diba? :P Graduation Day, the super mega iyakan day. :’( Graduate na ussss. Imagine? Kahit na lagi kaming suki noon sa guidance, nakagraduate pa rin kami. Syempre, di pa rin nawawala ang komunikasyon kahit na bakasyon na. :) Then, 1st year na kami. :) Unfortunately, di kami magkaklase. :( TheEEEF. Pero, dikit na dikit pa rin kami sa isa’t isa. <3 Now, 2nd year na kami. :“> Still MAGKAIBIGAN pa din kami. Hanggang ngayon, wala pa ring nakakapaghiwalay sa amin. Dumaan na ang lahat na klase nang bagyo, KAMI PA RIN HANGGANG SA HULI. Ganyan kami katibay. Diba, Kako? :) TIWALA AT PAGMAMAHAL LANG ANG DAPAT. WALANG HALONG PANINIRA O PANGGAGAMIT. YAN, ANG TUNAY NA PAGKAKAIBIGAN.
( Bagyuhin man kami, KAMI PA RIN. Nagkasira-sira man o nagkawatak-watak man, KAMI PA RIN. Kayo ba? Pano niyo ba pinapanatili ang MAGANDA AT MAPAYAPANG RELASYON NIYO SA INYONG MGA KAIBIGAN? ;> )
- Me so cheesy talaga to you. Anodaaw? :))) Mahal kita, Pare! >:D< Kapatid na nga Syota pa! San ka pa?! Advance Happy Birthday Little Sissy! Merry Christmas. Hope you like it. Tadyakan kita kapag di mo to na-appreciate. ;) Loveyouuuu! >:*<
Nakakapagsisi na ‘di ako nag-antay. Ayan tuloy, 'di maganda ang kapalit. Nakakaini talaga! Yun na nga yung chance, pinabayaan ko pa. :(
Sa panahon ngayon, madaming makakati. Malingat ka lang saglit, naagaw na agad mahal mo. Landi lang ng mga tao ngayong PASKO. Gift giving ang ibig sabihin ng Pasko, hindi Guy giving. Daming nakikiuso ngayon sa mga makakati. Nagkakalat na ang epidemia. Ingaaat lang kayo. >:)